Oo... tama ka
Pitik-bulag by buzzman (peyups.com)
Malupit magparusa ang katahimikan, bumabaon ang hagupit ng oras sa aking isip.
Balang araw, babakbakin ng ulan at init ang mga rebultong bayani para ilantad ang kabaliwan ng mga puta, pari, senador, at mga kampon ni Satanas sa mga palasyo at palengke.
Ang di marunong umiyak ay walang pagmamahal, dahil ang luha ay nagmumula sa kaluluwa at ang kaluluwa ay kalahati ng sariling naglalaman ng kunsensiya.
Nakadestino ang lahat sa Ferris Wheel― sakay-baba, paikot-ikot.
Kung minsan, mas malalang droga ang ideolohiya o prinsipyo.
Ako ang nagbuntis, ako ang ilaw, pero sino ang nagmamay-ari ng tahanan? Sa aking laman nagka-ugat ang kasaysayan, iniluluwa sa pagitan ng aking hita ang lahat ng bayani.
Hindi mo nakita na multo ang mga prayle, nagbabago ang anyo, nagpapalit-kulay tulad ng hunyango. Paano lilitisin ang mga multo na nagpapalit ng kasarinlan?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home